Palasyo sa jeepney phaseout: “Ang modernisasyon ay hindi itinaon sa panahon ng pandemya”

Photo grab from PCOO Facebook video

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi itinataon ang pagkakaroon ng jeepney modernization kasabay ng nararanasang COVID-19.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na walang katotohanan na tinatapatan ng jeepney phaseout ang pandemya.

Ilang modernized jeepneys na kasi ang pinayagang makabiyahe habang ang mga lumang jeep ay hindi pa rin pinapabiyahe.

Dahil dito, nagbanta ang ilang jeepney driver na magsusunog ng public utility jeepneys bilang protesta.

Ani Roque, hindi tinatanggalan ng kalayaan ang mga jeepney driver na maghayag ng saloobin o opinyon.

Ngunit giit nito, maaari namang magpahayag nang hindi nananakot.

Read more...