Pangulong Duterte nabahala sa mataas na singil ng Meralco
Nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reklamo ng ilang pamilyang Filipino sa mataas na singil ng Meralco sa panahon ng pandemya dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, nabahala ang pangulo dahil nadagdagan pa ang pahirap sa mga Filipino.
“Nakarating na po ‘yan kay Presidente at siyempre naabala siya dahil sa panahon ng pandemya, hindi naman dapat bigyan ng additional pahirap na hindi naman kinakailangan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, hindi naman nagpatumpik-tumpik ang pamahalaan sa hinaing ng taong bayan.
Katunayan, nagpadala na ng show cause order ang Energy Regulatory Board sa Meralco para pagpaliwanagin sa mataas na singil.
Insert sot
Ito po ang dahilan kung bakit mabilis naman po ang pagtugon diyan ng ating ERC, sila po yung regulatory body. At pina-show-cause order nga po nila ang Meralco, bakit ganito kamahal. I will follow up po kung ano ang latest diyan sa ERC.
Noon pang Mayo, pinagpapaliwanag ng ERC ang Meralco sa matataas na bill ng mga customer.
Ayon kay ERC chairperson Agnes Devandera, inulan ng reklamo ang kanyang tanggapan kung kaya agad nila itong inaksyunan.
Pero ayon kay Roque, naiintindihan ng Palasyo ang pagtaas ng bill dahil sa ipinatupad na lockdown.
“Ang pagkakaintindi ko naman po diyan sa Meralco, yung napakataas, inantay mo nila yung actual reading ngayon para makita kung gaano dapat ang bayaran talaga for the entire period na nasa ECQ tayo at MECQ. At yung suma-tutal ay pwede bayaran ng gives. Pero ibang usapin pa po kung ano talaga ang magiging desisyon ng ERC doon sa pagsipa ng sinisingil sa kuryente sa ating mga mamamayan,” ani Roque.
Nangako naman ang pamunuan ng Meralco na aayusin nila ang bill sa mga customer.
Aabot sa 6.9 milyon ang customer ng Meralco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.