COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 3,093
Pumalo na sa mahigit 3,000 ang mga nagpositibo sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 3,093 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (June 25).
Sa nasabing bilang, 3,015 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
2,983 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,017 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,743 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 223 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 1,907 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.