DOH, naglabas na ng license to operate sa COVID-19 laboratory ng Sta. Ana Hospital
Naglabas na ang Department of Health (DOH) ng license to operate sa COVID-19 laboratory ng Sta. Ana Hospital.
Ibinahagi ng Manila Public Information Office ang dokumento mula sa kagawaran.
Makikita na pirmado ang dokumento ni Health Facilities and Services Regulatory Bureau (HFSRB) Director IV Atty. Nicolas Lutero III, CESO III.
Ayon sa Manila PIO, kayang magproseso ng laboratoryo ng 200 swab tests kada araw.
Layon nitong mapaigting pa ang mass testing operations ng Manila City government para labanan ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.