Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Malapatan, Sarangani.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 18 kilometers Northeast ng Malapatan bandang 2:21 ng hapon.
May lalin ang lindol na 24 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II – Alabel, Sarangani
Intensity I – Malungon Sarangani; General Santos City, South Cotabato
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.