Dagdag na flights para sa repatriation ng OFWs, inilo-lobby ng Kamara

By Erwin Aguilon June 25, 2020 - 02:29 PM

Gagawan ng paraan ng Kamara na maiuwi ang libu-libo pang overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, isa ito sa mga dahilan kaya inatasan ni Speaker Alan Peter Cayetano na magsagawa ng pagdinig ng Committee on Public Accounts hinggil sa sitwasyon ng natitira pang OFWs sa abroad.

Sabi ni Romualdez, ilo-lobby ng mga kongresista na magkaroon ng karagdagang flights para sa repatriation.

Kaugnay nito’y nais ng chairman ng komite na si Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor na matipon sa hearing ang lahat nang concerned officials para matiyak na matutugunan ang mga isyu hinggil sa pagbalik ng displaced at distressed OFWs.

Ayon sa kongresista, target nilang mapauwi hindi lang ang mga stranded kundi maging ang mga labi ng mga nasawing OFWs sa lalong madaling panahon.

Hinimok nito ang stranded OFWs na makipag-ugnayan sa Facebook page ng Kamara para sa kanilang concerns at mga katanungan para maiparating sa kinauukulan.

Ipinagtataka ng mga mambabatas kung bakit napakatagal ng isinasagawang repatriation ng mga ahensya gayung noong magsimula pa lamang ang Coronavirus outbreak ay libu-libong Filipino na mula sa Saudi Arabia at iba pang mga bansa sa Middles East gayundin sa Europa ang naghihintay na makabalik sa Pilipinas.

TAGS: 18th congress, COVID-19 Inquirer, COVID-19 response, Inquirer News, OFW repatriation, Radyo Inquirer news, Rep. Martin Romualdez, stranded ofws, 18th congress, COVID-19 Inquirer, COVID-19 response, Inquirer News, OFW repatriation, Radyo Inquirer news, Rep. Martin Romualdez, stranded ofws

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.