Kulang ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) kung kaya idineploy na ang militar sa Cebu City sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, galing sa Bicol region, Region 6 at Metro Manila ang dagdag sundalo na ipadadala sa Cebu.
Nais kasi aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigpit na ipatupad ang enhanced community quarantine sa Cebu para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
Target din aniya ng pamahalaan na magdagdag ng mga medical health worker dahil marami sa mga doktor at nurse sa Cebu City ay tinamaan na rin ng COVID-19.
Ayon kay Año, may dadag na isolation facilities ang Department of Public Works and Highway (DPWH) para ma de-clog ang mga ospital na may maraming oasyente.
Maglalagay din aniya ng accomodation para sa mga health worker upang hindi na umuwi sa kani-kanilang bahay at hindi na kumalat ang COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.