Nanawagan si Pope Francis na ipatupad ang pag-abolish sa death penalty worldwide.
Ang worldwide ban sa capital punishment ay binanggit ng Santo Papa sa isang panayam.
Ayon sa Santo Papa, umaapela siya sa lahat ng pinuno ng mga bansa na bumuo international consensus at magkasundo na i-abolish ang death penalty.
Malinaw aniya ang nakasaad sa ten commandments na kasalanan ang pagpatay at ang utos na ito ay dapat iiral sa mga inosente man o guilty sa pagkakasala.
“I appeal to the consciences of those who govern to reach an international consensus to abolish the death penalty… The commandment ‘you shall not kill’ has absolute value and applies to both the innocent and the guilty,” pahayag ng Santo Papa sa ITV television channel.
Sa datos ng United Nations, mahigit 160 na mga miyembrong bansa ang nag-abolish na o hindi nagpapatupad ng death penalty.