Limitasyon sa bilang ng pwedeng bilhing face masks, alcohol tinaasan ng DTI

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 12:21 PM

FILE PHOTO

Dinagdagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bilang ng pwedeng bilhing alcohols, sanitizers, disinfecting liquid products, at face masks.

Ayon sa DTI, bagaman sakop pa din ng purchase limits ang nasabing mga produkto ay itinaas na ang bilang ng limitasyoan.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na kung dati, limang piraso lang ng face masks ang pwedeng bilhin kada transaksyon, ngayon ay hanggang isang box na o 50 pieces.

Para naman sa alcohols, sanitizers, at disinfecting liquids, pwede nang bumili ng hanggang limang bote kung one liter pababa.

Hanggang tatlong bote naman kung one liter pataas.

Sinabi ni Lopez na nagsimula na ring bumalik sa normal ang suplay ng naturang mga produkto.

 

 

TAGS: alcohol, covid pandemic, COVID-19, department of health, disinfecting liquid products, dti, face masks, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sanitizers, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, alcohol, covid pandemic, COVID-19, department of health, disinfecting liquid products, dti, face masks, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sanitizers, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.