AWOL na pulis, 2 iba pa patay sa shootout sa Quezon

Nasawi ang isang dating pulis at dalawang iba pa sa engkwentro sa mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa lalawigan ng Quezon.

Sa inisyal na ulat ni Philippine National Police Anti-Kidnapping Group director Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang mga suspek ay kinilalang sina Rico Moog Gutierrez – isang dating patrolman na nakatalaga sa Quezon Police Provincial Office (PPO), at si Jose Pitarque Alcaria.

Ang ikatlong suspek ay patuloy pang kinikilala.

Nagtungo ang mga tauhan ng PNP-AKG ang bahay ni Gutierrez sa Barangay Behia sa bayan ng Tiaong para isilbi ang search warrants sa paglabag sa Republic Act 10951 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na inisyu ng Laguna Regional Trial Court.

Habang papalapit sa bahay ay pinaputukan na ng mga suspek ang mga pulis.

Tumagal ng 15-minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng talto.

Nakuha sa crime scene ang iba’t ibang uri ng ga armas kabilang ang mga sumusunod:

– 2 cal. 5.56 rifles
– semi-auto shotgun
– cal. 45 revolver
– cal. 22 rifle
– cal. .380 pistol
– cal. 45 pistol
– cal. 38 revolver

May nakuha ring tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu.

Si Gutierrez ay dating intelligence operative sa Quezon PPO at inilipat sa Bangsamoro Autonomous Region pero bigla itong nag-AWOL.

 

 

Read more...