Empleyado ng Makati RTC nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 11:38 AM

Isinailalim sa lockdown simula ngayong araw June 25 hanggang sa July 8 ang lagat ng Metropolitan at Regional Trial Courts kasama na ang Offices of the Clerk of Court sa Makati City.

Sa memorandum na inilabas ni RTC Executive Judge Elmo Alameda, inaatasan din ang lahat ng empleyado ng RTC, MeTC at CoC na magsailalim sa 14 na raw na self-quarantine.

Ito ay makaraang isang empleyado ng korte ang magpositibo sa rapid test.

Sasailalim pa naman sa confirmatory test para sa COVID-19 ang empleyado.

Ang naturang empleyado ay mayroong kaanak na nagtatrabaho din sa Makati Court.

Isa pang empleyado ng korte ang sa ngayon ay suspected COVID-19 case.

Sasailalim sila sa swab test sa susunod na mga araw.

Pinayuhan na ang mga empleyado ng korte na bantayan ang kanilang kalusugan at agad magpatingin kung makararanas ng sintomas.

 

 

TAGS: COVID, lockdown, Makati Court, COVID, lockdown, Makati Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.