Kasong sedisyon laban sa guro na nag-alok ng pabuya sa social media para sa makapapatay kay Pang. Duterte ibinasura ng korte

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 11:20 AM

Ibinasura ng Olongapo City Regional Trial Court ang kaso labna sa guro na si Ronnel Mas na inaresto ng mga otoridad matapos mag-alok ng pabuya sa kaniyang social media para sa makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 15-pahinang desisyon ni Olongapo City RTC Branch 72 Judge Richard Paradeza, pinaburan nito ang inihaing motion to quash ng kampo ni Mas.

Ito ay dahil sa wala umanong hurisdiksyon ang korte sa inaakusahan sa ilaim ng Section 3 (c) Rule 117 ng Rules of Criminal Procedures.

Ang 25 anyos ma si Mas, na guro sa Taltal National High School sa Masinloc, Zambales ay kinasuhan ng inciting to sedition related to cybercrime.

Sa kaniyang mosyon kinuwestyon ni Mas ang legalidad sa pag-aresto sa kaniya.

Ayon sa desisyon ng korte, ilegal ang pagdakip kay Mas kaya hindi ito maaring mgkaroon ng hurisdiksyon sa akusado.

 

 

 

TAGS: inciting to sedition, Inquirer News, News in the Philippines, olongapo city court, Radyo Inquirer, ronnel mas, Tagalog breaking news, tagalog news website, teacher, inciting to sedition, Inquirer News, News in the Philippines, olongapo city court, Radyo Inquirer, ronnel mas, Tagalog breaking news, tagalog news website, teacher

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.