outbrain

James Younghusband inanunsyo ang pagreretiro sa football

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 10:40 AM

Inanunsyo ni James Younghusband ng Azkals ang pagreretiro na sa football.

Sa kaniyang post sa Instagram, nagpasalamat si Younghusband sa aniya’y ‘amazing memories’ niya sa paglalaro.

“Time to say goodbye. Thank you for the amazing memories. I have loved playing this game,” ayon kay Younghusband.

Pinasalamatan din niya ang kaniyang pamilya, mga boss, managers, coaches, team mates, mga nakalaban at kanilang mga taga suporta.

Ang 33-anyos na si Younghusband ay nagsimulang maglaro sa national team bilang bahagi ng Under-23 side noong 2005 Southeast Asian Games.

Umabot sa 101 beses na siya ay naglaro para sa bansa.

 

 

TAGS: Azkals, football, Inquirer News, james younghusband, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Azkals, football, Inquirer News, james younghusband, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.