150 miyembro ng PNP-SAF magpapatupad ng ECQ sa Cebu City

Magtatalaga ng Special Action Force (SAF) troopers sa Cebu City para ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, 150 miyembro ng PNP-SAF ang tutulong para magmando ng checkpoint at pairalin ang striktong home quarantine measures sa Cebu City.

Sinabi ni Eleazar na nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard (PCG) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa deployment ng SAF personnel at mobility assets.

Mahigpit aniyang na ipatutupad ang pagsusuot ng face masks sa mga residente kapag lalabas sila ng bahay.

Hanggang kahapon, June 24 ay 4,479 na ang COVID-19 cases sa Cebu City.

 

 

Read more...