RTC-Bulwagang Pangkatarungan sa Valenzuela City isinailalim sa temporary lockdown

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 09:58 AM

Nagpatupad ng temporary lockdown sa RTC-Bulwagang Pangkatarungan sa Valenzuela City.

Sa memorandum ni Valenzuela City Regional Trial Court Executive Judge Maria Nena Santos ang mga hukom at court personnel ay sasailalim sa quarantine simula ngayong araw.

Isang indibidwal kasi ang nagkaroon ng contact sa isang COVID-19 positive.

Sasailalim sa swab test ang nasabing indibidwal ay kung negatibo ang magiging resulta agad magre-resume ang operasyon at transaksyon sa korte.

Pero kung positibo ang magiging resulta ng swab test, lahat ng empleyado ng korte ay magpapatuloy sa self-quarantine sa loob ng 14 na araw o hanggang Jully 9.

Magpapatuloy naman ang court hearings at raffle ng mga kaso sa pamamagitan ng video conference.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, RTC-Bulwagang Pangkatarungan, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, RTC-Bulwagang Pangkatarungan, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.