Brazil nakapagtala ng mahigit 40,000 bagong kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 09:37 AM

Umabot na sa halos 1.2 million ang total cases ng COVID-19 sa Brazil.

Sa huling datos, ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 40,000 bagong kaso sa nakalipas na magdamag.

Nakapagtala din ito ng dagdag na mahigit 1,000 na nasawi kaya umakyat na sa mahigit 53,000 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Mayroon namang mahigit 649,000 na pasyente ng COVID-19 sa Brazil ang gumaling na.

Habang mahigit 488,000 pa ang aktibong kaso.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso at pinakamaraming nasawi sa COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

 

 

TAGS: Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.