Nasawi sa lindol sa Mexico umakyat na sa pito

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 08:55 AM

Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa malakas na pagyanig na tumama sa Mexico.

Ang lindol ay tumama alas 10:29 ng umaga sa Mexico na nagdulot ng pagkasira sa maraming mga bahay.

Napinsala din ang apat na archaeological sites at nawalan ng suplay ng kuryente ang mahigit 2.4 million na mga residente.

Nagdulot din ng sunog ang pagyanig sa isang oil refinery sa Pacific coast city sa Salina Cruz.

Maliban sa pitong nasawi ay nakapagtala din ng anim pang sugatan.

May mga simbahan din, tulay at kalsada ang napinsala.

 

 

TAGS: Inquirer News, mexico quake, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, mexico quake, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.