Tourist Police muling bubuhayin ng PNP; itatalaga sa MGCQ areas
Inatasan ni Philippine National Police Chief, Police General Archie Gamboa ang mga local police unit na i-reactivate ang Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection (TOPCOP) at palakasin ang Tourist Police Assistance Desks (TPAD).
Ayon kay Gamboa, dapat presensya ng tourist police upang matiyak pinaiiral ang health protocols sa mga tourist destinations sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Sinabi ni Gamboa na ang mga tourist police at ang assistance desks ang magtityak na sumusunod sa health protocols ang mga turista.
Ito ay matapos na payagan na ng Department of Tourism ang domestic tourism sa mga lugar na nasa MGCQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.