Global cases ng COVID-19 mahigit 9.5 million na

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 07:41 AM

Umakyat na sa mahigit 9.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 9,515,424 na ang global cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 483,800 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 5.1 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.8 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 58,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 168,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at halos 5,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

TAGS: covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid deaths, covid pandemic, COVID-19, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.