Philippine Stock Exchange head office sa BGC isinara matapos na isang empleyado ang magpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 25, 2020 - 07:29 AM

Isinara sa loob ng 24 na oras ang trading floor at head office ng Philippine Stock Exchange (PSE) sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ito ay makaraang isang empleyado nito ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Safe City Task Force ng Taguig LGU, patuloy ang ugnayan nito sa PSE upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.

Katuwang ang safety officer ng PSE magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng contact-tracing at disinfection habang nakalockdown ang pasilidad.

Nakipag-ugnayan na din ang Taguig LGU sa national testing center sa Enderun Colleges sa McKinley Hill para maisailalim sa PCR test ang mga empleyado ng PSE na pumapasok sa trabaho kasama ang mga frontline staff.

 

 

TAGS: BGC, covid pandemic, COVID patient, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, pse, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig, BGC, covid pandemic, COVID patient, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, pse, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.