Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.14 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (June 25) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 188.30 meters.
Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.00 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 100.84 habang bahagyang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 75.78 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 75.72 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga at Magat dams.
READ NEXT
Mahigit 30,000 households sa tatlong bayan sa Rizal 15-oras na mawawalan ng suplay ng tubig
MOST READ
LATEST STORIES