Na-trap sa loob ng bahay ang 65-anyos na babae nang lamunin ng apoy ang residential area sa San Joaquin, Pasig City bago mag alas 12:00 ng hatinggabi.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, natagpuan sa bangkay ni Nerma Parcon sa loob ng naka-padlock na bahay sa number 31 V. Bernardo St. San Joaquin lungsod ng Pasig.
May problema sa pag-iisip ang biktima kaya ito ikinukulong sa loob ng bahay ng kaniyang mga kaanak.
Nasugatan naman sa ulo si Lawrence Oliva, 38-anyos habang tumatakas palabas sa nasusunog na bahay sa number 104, habang nagtamo naman ng 2nd degree burn sa likod at balikat si Velentino Pabor.
Ayon sa Bureau Fire Protection ng Pasig City nagsimula ang apoy sa barracks ng mga construction worker ng East and South Construction.
Hanggang kumalat na sa kalapit na mga kabahahayan na itinaas sa ikatlong alarma alas 12:12 ng madaling araw.
Pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil dikit-dikit ang mga bahay at masikip ang mga eskinitang papasok.
Naapula ang sunog ala 1:28 na tumupok sa sampung mga kabahayan, at nasa 15 pamilya ang apektado at tinatayang nasa kalahating milyon ang halaga ng pinsala sa sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.