3 Chinese, huli sa sex den raid sa Malate

By Jan Escosio June 24, 2020 - 10:19 PM

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang gusali sa Barangay Poblacion base sa sumbong na ilang units ang ginagamit na sex den ng Chinese citizens.

Base sa ulat, tatlong Chinese ang naaresto at sila ay kinilalang sina Zhang Yong, 48-anyos; Lai Jin Cheng Yuan, 29-anyos at Yin Yuan Sheng, 33-anyos, pawang nanunuluyan sa JKL Building sa Guanzon street.

Nabatid na mismong ang may-ari ng gusali ang nagsumbong sa pulisya ukol sa ilegal na aktibidad ng kanyang mga banyagang tenant.

Sa ikawalong palapag, nadiskubre ang ‘showroom’ ng mga babae na nag-aalok ng panandaliang aliw, samantalang sa rooftop naman ng gusali nakita ang mga kuwarto.

Nakadiskubre rin ng mga condom at sex paraphernalia sa ilang kuwarto sa gusali.

Naisasagawa ng mga suspek ang ilegal na gawain sa pamamagitan ng mga lighter na may special markings na ibinibigay sa kanilang mga kliyente.

Sinabi naman ni Police Maj. Gideon Ines, deputy chief for operations, inalok pa siya ng P100,000 ng mga suspek para sa pagsasampa ng mga kaso.

Kayat si Ines ay may hiwalay na reklamo na corruption of public official laban sa tatlong suspek.

TAGS: Inquirer News, Makati City Police, Radyo Inquirer news, sex den raid, Inquirer News, Makati City Police, Radyo Inquirer news, sex den raid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.