Anim na ’emerging hotspots’ ng COVID-19 sa Pilipinas, tinukoy ng DOH

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang anim na ’emerging hotspots’ ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang itinuturing na ’emerging hotspots’ ay mga lugar kung saan mabilis ang pagkalat ng COVID-19.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Cebu City
– Cebu province
– Ormoc City
– Southern Leyte
– Leyte
– Samar

Ani Vergeire, hindi pa masyado marami ang kaso ng nakakahawang sakit sa mga nabanggit na lugar ngunit mabilis aniya ang pagtaas ng mga kaso kumpara sa ibang lugar.

Dahil dito, nagpadala na aniya ang kagawaran ng kagamitan para mapaigting ang testing capacity sa Cebu province.

Istrikto rin aniyang ipinatutupad ang public health standards katuwang ang local government units at National Task Force sa mga naturang lugar.

Read more...