Inanunsiyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na pansamantalang isasara ang NavoServe Social Services One-Stop Shop.
Paliwanag ng alkalde, ito ay dahil isasailalim sa expanded COVID-19 testing ang ilang empleyado, kasama ang mga kawani ng NavoServe.
Magsisimula ang pagsusuri sa araw ng Huwebes, June 25, hanggang Biyernes, June 26.
Kailangan aniyang isailalim sa home quarantine ang mga empleyado pagkatapos ng test.
“Inaasahan po natin na matatanggap natin ang kanilang test results sa loob ng 3-4 araw para makapagbukas na muli ang NavoServe sa Lunes, 29 June,” ani Tiangco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.