Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 2,126

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (June 24, 3:00 PM) nakapagtala ng 41 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,126 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 513
Laguna – 647
Batangas – 276
Rizal – 541
Quezon – 149

Nasa 1,096 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 12 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 194
Laguna – 338
Batangas – 179
Rizal – 265
Quezon – 120

Nadagdagan ng isa ang COVID-19 related deaths sa rehiyon kaya ito ay pumalo na sa 184.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 36
Laguna – 41
Batangas – 30
Rizal – 67
Quezon – 10

Read more...