Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 24, umakyat na sa 8,351 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 56 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,767 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
15 naman gumaling pa kung kaya 5,072 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, apat naman ang nasawi kung kaya 512 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,114 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 961 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 685 naman ang kaso sa Americas at 591 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.