85,000 estudyante sa Makati City, makatatanggap ng learner’s pack at libreng internet load
Makatatanggap ang mahigit 85,000 estudyante sa Lungsod ng Makati ng learner’s pack at libreng internet load.
Ayon kay Mayor Abby Binay, sakop nito ang mga estudyante mula preschool hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Libre aniyang magagamit ng mga estudyante ang internet load nang limang oras kada araw.
Naglalaman ang kada pack ng on-the-go (OTG) flash drive na mayroong digitized learning modules at printed modules.
May kasama ring dalawang washable face masks at iba pang school supplies sa kada learner’s pack.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.