250 OFWs sa Hong Kong, naghihintay na ma-repatriate pauwi ng Pilipinas

By Chona Yu June 24, 2020 - 02:28 PM

Aabot sa 250 na overseas Filipino workers sa Hong Kong ang naghihintay na ma-repatriate o maiuwi sa bansa.

Ayon kay Philippine Consul General in Hong Kong Raly Tejada, nawalan ng trabaho ang mga OFW dahil sa epekto ng COVID-19.

Maaari aniyang makauwi na sa bansa ang mga OFW sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang konsulada sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa pagpapauwi sa mga OFW.

Ayon kay Tejada, ginagawan na ng paraan ang pagpapauwi sa mga OFW dahil patuloy na nakakansela ang mga flights mula Hong Kong patungo ng Pilipinas.

“Meron naman pong naghihintay na 250 po na kababayan natin na stranded sa Hong Kong. Yun po ang ginagawan natin ng paraan na sana mabigyan sila ng pagkakataon na makauwi sa ating bayan sapagkat patuloy po ang pagkakansela ng mga flights mula Hong Kong patungong Manila,” pahayag ni Tejada.

TAGS: COVID-19 Inquirer, Inquirer News, OFW repatriation, OFWS in Hong Kong, Philippine Consulate General in Hong Kong, Radyo Inquirer news, COVID-19 Inquirer, Inquirer News, OFW repatriation, OFWS in Hong Kong, Philippine Consulate General in Hong Kong, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.