Good move para sa Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na kanselahin ang quarantine pass sa Cebu City simula Miyerkules ng gabi, June 24.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay para tuluyang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Roque, nababalewala ang layunin ng quarantine kung maraming residente pa rin ang lumabas ng bahay.
Nasa 250,000 na residente sa Cebu City ang nabigyan ng quarantine pass.
Ayon kay Roque, tama lamang na kinansela ang quarantine pass at mag-isyu na lamang ng panibago para masiguro na ang mga kinakailangan lamang talaga na lumabas ng bahay ang makagagalaw.
Ibinalik sa enhanced community quarantine ang Cebu City hanggang sa June 30 matapos makapagtala ng mahigit 4,000 kaso ng COVID-19.