Ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga araw
Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Batay sa thunderstorm advisory bandang 1:22 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Tarlac, Nueve Ecija, Pampanga, Cavite, Rizal at Quezon.
Uulanin din ang bahagi ng Zambales partikular ang Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria at Santa Cruz.
Maaapektuhan din ng pag-ulan ang San Jose Del Monte, Bulacan; Mabitac, Laguna; Taal at Santa Teresita sa Batangas.
Ayon sa PAGASA, mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, nagbabala ang weather bureau na mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.