Pangulong Duterte hindi magtatalaga ng temporary DENR secretary
Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng temporary na kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kapalit ni Secretary Roy Cimatu.
Pahayag ito ng Palasyo matapos bigyan ng espesyal na trabaho ni Pangulong Duterte si Cimatu bilang tagapamahala sa pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 sa Cebu City.
Ang Cebu City na ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong bansa kung saan pumalo na sa mahigit 4,000.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pansamantala lang naman ang appointment ni Cimatu sa Cebu.
Umaasa rin kasi aniya ang palasyo na maiksing panahon lamang ang gugulin ni Cimatu sa pagtutok sa Cebu.
Ayon kay Roque, ilang beses na rin na binigyan ng espesyal na misyon si Cimatu.
Matatandaang iniatang din ng pangulo ang responsabilidad kay Cimatu nang ipasara ng anim na buwan ang Boracay para sa rehabilitasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.