Mas maraming pulis, sundalo at health workers ipadadala sa Cebu City
Mas maraming pulis, sundalo at health workers ang nakatakdang i-deploy ng pamahalaan sa Cebu City.
Ito ay bunsod ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga pulis at sundalo ang mahigpit na magpapatupad ng enhanced community quarantine.
Sinabi pa ni Año na magdaragdag din ng mas maraming doktor at nurse sa mga ospital sa Cebu City.
Suspendido na ang quarantine passes sa Cebu City para matiyak na hindi lalabas ang mga residente.
Hanggang June 23 ay umabot na sa 4,479 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.