Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Leyte tinututukan na din ng pamahalaan

Babantayan din ng National Task Force Against COVID-19 ang sitwasyon ng COVID-19 cases sa Leyte.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año ito ay dahil sa tumataas ding kaso ng sakit sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Año na siya at si National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez ay magtutungo sa Tacloban City.

Bigla aniya ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Leyte matapos na ang pag-uwi doon ng mga LSIs at OFWs.

Si Environment Sec. Roy Cimatu naman ay nakatutok sa sitwasyon sa Cebu City.

Ito ay matapos na atasan siya ni Pangulong Duterte na pangasiwaan ang COVID-19 response sa nasabing lungsod.

 

 

Read more...