“Du-Riam” love team, patok sa netizens

By Kathleen Betina Aenlle February 22, 2016 - 04:41 AM

 

Mula sa Twitter/Inquirer.net

Mistulang naging ‘celebrity loveteam’ ang dalawang presidential candidates na sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Miriam Defensor-Santiago sa PiliPinas Presidential Debates 2016 ng Commission on Elections (COMELEC).

Nabatid kasi ng mga netizens na nakatutok sa debate sa pamamagitan ng telebisyon, radyo at social media ang pagiging gentleman ni Duterte kay Santiago, pati na ang kanilang palitan ng pag-sang ayon at papuri sa isa’t isa.

Sa opening statement pa lang, sinabi na niyang ikinalugod niya ang pag-punta ni Santiago dahil aniya, ang senadora ay isa sa dalawang natatanging kwalipikadong kumandidato bilang pangulo sa bansa.

Pagdating naman sa unang round ng debate, tinanong si Santiago kaugnay sa lagay ng kaniyang kalusugan, at doon niya idinepensang may sakit man siya o wala, wala namang nakalagay sa batas na magbabawal sa kaniya na kumandidato.

Nang bigyan ng pagkakataon si Duterte na mag-rebut, iginiit niya na wala siyang masasabing kontra sa pahayag ni Santiago dahil aniya, nagsasabi lang ng totoo ang senadora.

Ani pa Duterte, sa lakas ni Santiago ngayon, ni hindi niya nakikitang posibleng pumanaw ang senadora sa susunod na 20 taon.

Winakasan naman ni Santiago ang kaniyang pahayag na may kasamang papuri kay Duterte.

Ani Santiago, laganap ang katiwalian sa bansa at maraming bumabatikos ngunit ang tanging kumilos lamang ay si Duterte.

Sa bawat pahayag ng dalawa tungkol sa isa’t isa ay sinasagot ito ng palakpakan mula sa mga nanonood, at marami rin ang nag-post sa social media ng tungkol dito.

Namataan pa si Duterte na humalik sa kamay ni Santiago at niyakap ang senadora habang naka-commercial break.

Inalalayan rin umano ni Duterte si Santiago pababa ng entablado nang matapos ang debate.

Matatandaang naging malakas rin ang suporta ng mga tao sa tambalang Duterte at Santiago o DuRiam, bago pa man sila mag-deklara ng kani-kanilang kandidatura, at ngayon maraming netizens ang nanghihinayang kung bakit hindi na lang daw sila ang naging magka-tambal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.