CSC nagbigay ng dagdag na 60-araw na palugit para sa paghahain ng SALN
Nagbigay ng dagdag na 60-araw na palugit ang Civil Service Commission para sa paghahain ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) Form ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
Sa abiso ng CSC, lahat ng public officials at public employees ay mayroong dagdag na 60 days mula sa June 30 na huling araw dapat ng paghahain ng SALN.
Ibig sabihin, sa halip na June 30 ang deadline ay magiging August 31 ang huling araw para sa filing ng SALN sa kanilang mga departamento o ahensya.
Lahat ng heads of department, office o agency ay inatasang bumuo ng procedures para sa pag-review ng SALNs upang matiyak na naisumite ito sa tamang panahon, kumpleto at tama ang form.
Ang huling araw naman ng submission ng SALN Forms ng mga departamento at ahensya ng gobyerno ay extended din hanggang October 31 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.