Global cases ng COVID-19 mahigit 9.3 million na

By Dona Dominguez-Cargullo June 24, 2020 - 08:41 AM

Umakyat na sa mahigit 9.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 9,343,220 na ang global cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 478,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 5 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.8 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 57,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 160,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 5,400 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

 

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, global cases, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.