6 na Chinese na tumakas mula sa Camp Karingal muling naaresto

Naaresto na muli ang anim na Chinese nationals na tumakas mula sa Camp Karingal sa Quezon City.

Ang mga Chinese na pawang nahaharap sa kasong estafa ay nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD sa isang sapa sa Brgy. Krus na Ligas.

Nakakulong sa Temporary Facility sa QCPD Multipurpose Building ng Camp Karingal ang anim nang sila ay tumakas noong Lunes ng gabi.

Dahil sa pagtakas, mahaharap sila sa dagdag na kasong resistance and disobedience to authority.

Una nang sinibak sa pwesto ang 12 pulis ng QCPD dahil sa insidente.

 

 

Read more...