Bilang ng pumanaw na Pinoy sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19, 107 na ayon sa DOLE

By Dona Dominguez-Cargullo June 24, 2020 - 07:54 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pinoy na nasawi at stranded ngayon sa Saudi Arabia.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, mayron na ngayong 287 na nasawing Pinoy sa Saudi Arabia.

Sa nasabing bilang, 107 ang pumanaw dahil sa COVID-19 habang 180 naman ang pumanaw sa iba pang dahilan.

Kung mapapayagan na ng Department of Transportation (DOTr) sinabi ni Bello na mayroong dalawang cargo plane na susundo sa mga labi ng Pinoy ngayong weekend.

Pinagbigyan din ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang note verbale ng Pilipinas na humihiling ng dagdag na panahon upang maiuwi ang mga labi.

Pero ayon kay Bello, pakikiusapan nila ang pamilya ng 107 Pinoy na nasawi sa COVID-19 na doon na lang sa Saudi Arabia ilibing ang mga labi.

Maari kasing delikado ani Bello at posible ang kontaminasyon kapag iniuwi sa bansa ang labi ng mga Pinoy na nasawi sa COVID-19.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DOLE, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, saudi arabia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DOLE, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, saudi arabia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.