Northern at Central Luzon apektado ng Ridge of High Pressure Area; nalalabing bahagi ng bansa apektado ng easterlies
Simula ngayong araw hanggang sa Biyernes ay patuloy na maaapektuhan ng Ridge of High Pressure Area ang Northern at Central Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang ridge ng HPA ang tumutulak papalayo sa Habagat kaya hindi ito umaabot at hindi nakaaapekto sa bansa.
Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon na may biglaang pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng thunderstorms.
Ganitong lagay din ng panahon ang mararanasan sa Visayas at sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 2 hanggang 3 araw ay wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.