Inanunsyo ito ni Cebu City Mayor Edgar Labella base sa utos ni Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Labella, nag-ikot sa Cebu City ang team mula sa Inter Agency Task Force at nakitang maraming residente ang nasa labas ng kanilang mga bahay kahit ang lungsod ay nakasailalim sa enhanced community quarantine o ECQ.
Dahil dito ani Labella, lahat ng quarantine pass na nauna nang inilabas ay kinakansela na.
Papayagan pa rin namang lumabas ang mga APOR o iyong mga exempted sa ilalim ng guidelines ng IATF.
Maglalabas aniya ng bagong quarantine passes sa susunod na mga araw at iaanunsyo ng lokal na pamahalaan ang proseso ng pagkuha nito.
READ NEXT
Northern at Central Luzon apektado ng Ridge of High Pressure Area; nalalabing bahagi ng bansa apektado ng easterlies
MOST READ
LATEST STORIES