Hinatuan, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 60 kilometers northeast ng bayan ng Hinatuan, alas-3:36 madaling araw ng Miyerkules (June 24).

May lalim na 30 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...