Magnitude 4 na lindol yumanig sa Sarangani, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 315 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 10:55 ng gabi.

125 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala matapos ang pagyanig.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks sa naturang lugar o kalapit-bayan.

Read more...