P4-M halaga ng marijuana sinira sa Balamban, Cebu

By Angellic Jordan June 23, 2020 - 09:28 PM

Sinira na mga otoridad ang P4,120,000 halaga ng marijuana plants sa Balamban, Cebu Martes ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office (PDEA RO) 7, isinagawa ang marijuana eradication sa tatlong sites sa bahagi ng Sitio Liki, Barangay Bayong bandang 7:35 ng umaga.

Nakuha sa operasyon ang humigit-kumulang 10,300 fully grown marijuana plants mula sa tatlong site.

Nakatakas naman ang cultivator na si Ademar Mangitngit nang matunugan ang pagdating ng mga otoridad.

Si Mangitngit ay itinuturing bilang isang high-value target.

Kasong paglabag sa Section 16, Article 2 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.

TAGS: Inquirer News, marijuana eradication in Cebu, PDEA RO7, Radyo Inquirer news, Inquirer News, marijuana eradication in Cebu, PDEA RO7, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.