Lalaking residente ng Albay, bagong COVID-19 case sa Bicol
Nakapagtala ng isa pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.
Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, nagpositibo ang 56-anyos na lalaking residente ng Legazpi City, Albay.
Nagkaroon ang pasyente ng travel history sa Muntinlupa City.
Asymptomatic naman ang pasyente at nananatili sa isang LGU quarantine facility.
Sinabi ng DOH CHD Bicol na dumating sa Legazpi City ang pasyente sa pamamagitan ng Cebu Pacific flight na 5J 325 noong June 18.
Sa huling datos, nasa 90 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.