Top 8 most wanted person sa QC, arestado

Arestado ang Top 8 Most Wanted Person ng Talipapa Police Station sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ng mga tauhan ng Talipapa Police Station, Quezon City Police District ang suspek na si Arnel Gratil, 54-anyos, sa bisa ng arrest warrant at manhunt operation.

Ikinasa ang operasyon sa bahagi ng F. Carlos Street, Barangay Baesa sa Quezon City bandang 1:10 ng hapon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Qualified Theft.

Inilabas ni Hon. Judge Arthur Melicor ng Valenzuela City RTC branch 284 ang arrest warrant laban kay Gratil noong July 6.

Sa ngayon, nananatili ang suspek sa kustodiya ng Talipapa Police Station habang hinihintay ang commitment order.

Read more...