Tumamang pagyanig sa Mayantoc, Tarlac itinaas sa magnitude 3.4

(UPDATED) Itinaas ang tumamang lindol sa Mayantoc, Tarlac sa magnitude 3.4 Martes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 5 kilometers Northeast ng Mayantoc bandang 2:10 ng hapon.

18 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala matapos ang pagyanig.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks sa naturang lugar o kalapit-bayan.

Read more...