Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 326 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 1:18 ng hapon.
73 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala matapos ang pagyanig.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks sa naturang lugar o kalapit-bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.