Libreng internet load sa loob ng limang oras kada araw para sa mahigit 85,000 na estudyante sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2020 - 12:31 PM

Para sa school year 2020-2021 tatanggap ng learner’s package at libreng internet load limang oras araw-araw ang bawat isa sa mahigit 85,000 na mag-aaral sa Makati mula preschool hanggang senior high school sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Mayor Abby Binay, Ang ang bawat learner’s package ay naglalaman ng isang On-The-Go (OTG) flash drive, printed modules, at dalawang washable face masks na nakasilid sa pouch.

Sinabi ni Binay na sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang gamit, tinitiyak ng kanyang pamunuan na lubos na makikinabang ang mga mag-aaral sa mga benepisyong alay ng blended learning approach ng DepEd.

Nanawagan din si Mayor Abby sa mga magulang na suportahan ang mga bagong proyekto.

Aniya, napakahalaga ng kanilang papel sa epektibong pagpapatupad ng makabagong paraan ng pagtuturo na iniaangkop sa kasalukuyang “new normal” bunsod ng pandemya.

Gamit ang OTG flash drive, maaaring mag-aral ang mga estudyante sa nilalaman nitong digitized learning modules kahit walang internet connection.

Taglay nito ang videos, illustrations, at interactive exercises na binuo ng DepEd Makati.

Pwede itong gamitin sa smartphone na android o IOS, tablet, laptop, desktop, pati na sa smart television.

Bukod sa learner’s package at libreng internet load, matatanggap pa rin ng mga mag-aaral ang kagamitan tulad ng libreng school uniforms, leather shoes, rubber shoes, at school supplies.

Maging ang mga guro ng public schools sa Makati ay bibigyan ng libreng internet load para sa pagsasagawa ng online activities at sessions.

Ang mga magulang naman ay bibigyan ng journal na naglalaman ng mga alituntunin kung papaano nila matutulungan ang mga anak sa kanilang pag-aaral.

 

 

TAGS: Abby Binay, covid pandemic, COVID-19, department of health, free internet, general community quarantine, Health, Inquirer News, Makati, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website, Abby Binay, covid pandemic, COVID-19, department of health, free internet, general community quarantine, Health, Inquirer News, Makati, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.