Unauthorized travels pinababantayan ni Sen. Bong Go sa IATF

By Jan Escosio June 23, 2020 - 12:03 PM

Pinahihigpitan pa ni Senator Christopher Go sa Inter Agency Task Force (IATF) ang pagpapatupad ng Hatid Tulong program.

Naobserbahan ni Go na kailangan mabantayan ng husto ang mga hindi otorisadong pagbiyahe.

Aniya kung hindi kakayanin ng LGU’s na tanggapin ang kanilang mga mamamayan na ikinukunsiderang locally stranded individuals o LSIs makakabuti na hindi muna payagan ang mga ito na maka-biyahe.

Dapat din aniya tiyakin na ang LGUs ay may kakayahan na magsagawa ng testing, quarantine at maalagaan ang kanilang mga uuwing kababayan.

Sinabi ng senador na nakahanda siyang pag-aralan muli ang Balik Probinsiya at Hatid Tulong programs.

 

 

TAGS: bong go, IATF, unauthorized travels, bong go, IATF, unauthorized travels

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.